Ito ay dahil gawa ang glitters sa aluminum at PET na nakakasira sa kalikasan.
Ayon kay Dr. Trisia Farrelly na isang environmental anthropologist sa Massey University sa New Zealand, mayroong mga kemikal na laman ang PET na nakakaapekto sa hormones ng mga hayop, maging sa tao.
Sa isang pag-aaral, nakita na one-third ng mga isdang nahuli sa United Kingdom ang nakakain ng plastic, kabilang na ang glitters na maliit lamang ang sukat at nakakaakit sa mga hayop sa dagat.
Bukod sa glitters, ikinaalarma rin ng mga siyentipiko ang microbeads na kadalasang natatagpuan sa mga facial wash at iba pang mga cosmetic products.
Sa 2018 ay nakatakdang ipagbawal ang microbeads sa UK, habang 2015 pa lamang ay ipinagbawal na ito sa pitong states sa Estados Unidos.
Ayon pa kay Farrelly, sa 2050 ay may posibilidad na mas marami pa ang bilang ng plastic sa karagatan kaysa sa mga isda kung hindi masosolusyunan ang patuloy na paggamit ng plastic at glitters.
Mungkahi ng mga siyentipiko, gumamit na lamang ng biodegradable o natutunaw na mga glitter kaysa iyong mga gawa sa plastic. p.