MPD magbibigay ng seguridad sa Manila Times reporter na si Jomar Canlas

By Alvin Barcelona December 04, 2017 - 05:49 PM

Photo: Alvin Barcelona

Inerekomenda ng Manila Police District ang pagtatalaga ng security detail  sa Manila Times reporter na si Jomar Canlas.

Kasunod ito ng pagdulog ni Canlas kay MPD Director CSupt. Joel Coronel tungkol sa kanyang natanggap na banta sa buhay ilang araw matapos na humarap sa pagdinig ng Kamara sa impeachement complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Coronel, maituturing na seryoso ang death threat laban kay Canlas sa pamamagitan ng text message na dalawang ulit na ipinadala sa kanya.

Kaugnay nito, hiningan ng General Assignment Section  ng MPD si Canlas ng pormal na statement sa nasabing insidente.

Ipapa-trace din aniya nila ang cellphone number na ginamit para ipadala ang text message na naglalaman ng pagbabanta sa mamamahayag.

Irerekomenda din ni Coronel ang mabilis na proseso para makapagpadala si Canlas ng sarili nitong armas para ma-protektahan nito ang kanyang sarili.

Sa nasabing banta, sinabi ng anonymous sender na tatlo silang papatay sa mamamahayag at seryoso ang kanilang banta.

Pinayuhan din ng nagpadala ng mensahe na magbilin na sa kanyang asawa at anak si Canlas bago siya mamamatay.

TAGS: coronel, death threat, impeachment, jomar canlas, MPD, Sereno, coronel, death threat, impeachment, jomar canlas, MPD, Sereno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.