WATCH: Umano’y magnanakaw, sugatan matapos barilin ng gwardya sa Tondo, Maynila

Kuha ni Mark Gene Makalalad

Nang dahil sa tangkang pagnanakaw, sugatan ang isang lalaki matapos barilin ng gwardya ng kumpanya ng alak sa H. Lopez St, Brgy. 134, Tondo, Manila.

Duguan na nang matagpuan ng kaniyang mga kaibigan ang 17 anyos na lalaki sa bakuran ng San Miguel Brewery Inc. Tondo Sales Office pasado alas-2:30 ng madaling araw ng Lunes.

Tama ng bala ng shotgun sa singit ang kaniyang natamo kaya agad itong isinugod sa emergency room ng Tondo, Medical Center.

Narito ang ulat ni Mark Makalalad:

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...