Wala pang napaulat na nasawi dahil sa Dengvaxia ayon sa Sanofi
Walang natatanggap na ulat ang Sanofi Pasteur na may kaso ng pagkasawi sa mga naturukan ng Dengvaxia.
Ayon kay Dr. Ruby Dizon, medical director ng Sanofi Pasteur, walang ganitong uri ng report na nakukuha ang kanilang kumpanya at ito rin anila ang impormasyon ng Department of Health.
Sinabi ni Dizon na nagkaroon ng assessment ang grupo ng mga eksperto at base sa pag-aaral walang naapektuhan ng isinagawang pagbabakuna.
Tugon ito ng Sanofi sa inilabas na pahayag ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na tatlong bata ang nasawi sa Central Luzon matapos tumanggap ng bakuna laban sa dengue.
Una nang sinabi ng Sanofi na ang Dengvaxia ay makatutulong sa bata na tinamaan na ng dengue.
Gayunman, kung ang naturukan nito ay hindi pa nagkakaroon ng dengue ay maari itong makaranas ng “severe disease”.
Ipinaliwanag naman ng Sanofi kung ano ang pakahulugan nila nang kanilang ianunsyo na magdudulot ng “severe diseases” ang Dengvaxia kung ang batang naturukan nito ay hindi pa nagkaka-dengue.
Ayon sa Sanofi, hindi naman ibig sabihin nito na maaring magdulot ng pagkamatay o grabeng kondisyon ang bakuna.
Base sa analysis, lumitaw na ang “severe” na tinutukoy ay mas matagal na lagnat, mababang platelet count, magkaroon ng pasa kapag nauntog at makaranas ng balinguyngoy kapag nainitan.
Ito aniya ang mga sintomas na nasa ilalim ng classification bilang “severe dengue symptoms”.
Ayon kay Sta. Ana, walang naitatalang kaso ng dengue shock syndrome at wala ring namatay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.