5 arestado sa buy bust operation sa Zamboanga City

Arestado ang lima katao sa ikinasang buy bust operation sa Zamboanga City.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mga suspek na sina Sahari Sabturani alyas “Dante Solaiman”, Rayan Rajan, Kizzie Rajan, Gasi Hadjirul at Albajir Sanny, pawang mga residente ng Zamboanga City.

Naaresto ang mga suspek sa isang hotel parking lot sa Barangay Sta. Maria.

Nasamsam naman sa mga suspek ang dalawampung plastic bags na naglalaman ng hindi bababa sa isang kilo ng shabu na may street value na limang milyong piso.

Ayon sa PDEA, pangunahing target sa operasyon ay si Sabturani.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong may paglabag sa Section 26 (conspiracy) at section 5 (selling of illegal drugs) ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

 

 

 

 

Read more...