10,000 pulis, ipinakalat na sa Metro Manila para matiyak ang seguridad ngayong holiday season
Halos sampung libong pulis ang ipinakalat na sa mga matataong lugar sa Metro Manila para magpatupad ng seguridad ngayong holiday season.
Ayon kay National Capital Region Police Office chief Director Oscar Albayalde, nasa 9,559 na mga pulis ang idineploy sa mula ngayong araw ng Lunes, Dec. 4 sa mga shopping mall, palengke, mga simbahan at maging sa Metro Rail Transit-3 at Light Rail Transit 1 and 2.
Pawang tauhan ng NCRPO ang mga idineploy para magtiyak ng kaligtasan ng mga mamamayan sa mga lugar na dinadagsa ng maraming tao kapag ganitong panahon.
Sa ngayon, sinabi ni Albayalde na walang namomonitor na banta ng terorismo ang NCRPO.
Hinimok din ng NCRPO ang publiko na agad lapitan ang mga pulis o tumawag sa PNP hotline kapag mayroong kahina-hinalang indibidwal o bagay na mapapansin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.