Natuloy na ang pangalawang meeting nina Pangulong Benigno Aquino III at Senador Grace Poe para talakayin ang mga plano para sa 2016 elections.
Pero ayon kay Poe, walang naging malinaw na alok ang Pangulo kung magiging kandidato siya sa Pagka-Pangulo o Pangalawang Pangulo ng Liberal Party (LP).
Ang naging malinaw lamang aniya ay ang pagnanais ng Pangulo na magkaroon ng isang tao na magpapatuloy ng kanyang mga nasimulang programa.
Naging maganda naman aniya ang pagpupulong nila ng Pangulo dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makapagsalita o makapagtanong.
Sa naturang pagpupulong, sinabi ng Pangulo na sa Partido Liberal, patas ang kanilang pamimili at iginigalang ang lahat ng opinyon.
Pero nang tanungin kung komportable ba sya sa pakikipag-tambal kay DILG Secretary Mar Roxas, inamin ni Poe na patuloy pa niya itong pinag-aaralan.
Inamin din ni Poe na bukod sa kanya, balak rin ng Pangulong Aquino na kausapin si Senador Francis Escudero na matunog na isa sa mga ikinukunsiderang alternatibong kandidato ng LP. / Chona Yu
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.