Baril ng mga pulis, hindi na seselyuhan sa Bagong Taon

By Kabie Aenlle December 04, 2017 - 02:49 AM

 

Hindi na ipapatupad ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald dela Rosa ang paglalagay ng selyo o busal sa mga baril ng mga pulis bago ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Ayon kasi kay Dela Rosa, malaki naman ang ibinaba ng mga kaso ng pagkamatay o pinsalang dulot ng indiscriminate firing na naitala noong nakaraang taon.

Sa tantiya ng hepe ng PNP ay hindi na ito kailangang gawin pa, lalo’t kumpyansa siyang hindi masasangkot ang kaniyang mga tauhan sa indiscriminate firing.

Paliwanag niya, nitong nagdaang pagdiriwang ng Bagong Taon ay isa lamang ang naitalang nasawi mula sa 12 kaso ng ligaw na bala na naitala sa buong bansa.

Banta pa ni Dela Rosa, masisibak sa pwesto ang mga mahuhuling pulis na magpapaputok ng kanilang mga baril nang wala namang kadahilanan.

Samantala, hindi lang ang mismong pulis ang masisibak sa pwesto oras na mangyari ito kundi maging ang kanilang mga commanders na hindi agad kikilos para resolbahin ang mga isyu ng indiscriminate firing.

Mababatid na taun-taong ginagawa ang pagse-selyo ng mga baril ng mga pulis gamit ang tape na pinipirmahan ng kanilang mga nakatataas na opisyal upang maiwasan ang walang pakundangang pagpapaputok tuwing Bagong Taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.