Ito ay matapos dumating sa South Korea ang isang dosenang US F-22 at F-35 fighter jets upang sumailalim sa joint exercises.
Ayon sa South Korean Defense Ministry, ang Vigilant Ace drill ay magsisimula ngayong araw ng Lunes at tatagal ng limang araw.
Ang naturang pagsasanay ay isang regular biannual event.
Gayunpaman, isang komentaryo mula sa pahayagang Rodong Sinmun ng North Korea ang nagsabing isang “dangerous provocation” ang isasagawang drill para magkaroon ng nuclear war sa rehiyon.
Sa isang pulong balitaan naman sa US ay sinabi ni White House National Security adviser HR McMaster na ang tyansa ng pagkakaroon ng giyera sa Korean Peninsula ay lumalaki kada araw.
Ang mga kaganapang ito ay nangyayari ilang araw lang matapos magpakawalang muli ang North Korea ng intercontinental ballistic missile na bumagsak malapit sa Japan.