US Stealth Fighter Jets, nasa South Korea para sumailalim sa joint exercises

By Rhommel Balasbas December 04, 2017 - 03:49 AM

 

Magpapakita ng pwersa bilang magkakamping bansa ang Estados Unidos at South Korea.

Ito ay matapos dumating sa South Korea ang isang dosenang US F-22 at F-35 fighter jets upang sumailalim sa joint exercises.

Ayon sa South Korean Defense Ministry, ang Vigilant Ace drill ay magsisimula ngayong araw ng Lunes at tatagal ng limang araw.

Ang naturang pagsasanay ay isang regular biannual event.

Gayunpaman, isang komentaryo mula sa pahayagang Rodong Sinmun ng North Korea ang nagsabing isang “dangerous provocation” ang isasagawang drill para magkaroon ng nuclear war sa rehiyon.

Sa isang pulong balitaan naman sa US ay sinabi ni White House National Security adviser HR McMaster na ang tyansa ng pagkakaroon ng giyera sa Korean Peninsula ay lumalaki kada araw.

Ang mga kaganapang ito ay nangyayari ilang araw lang matapos magpakawalang muli ang North Korea ng intercontinental ballistic missile na bumagsak malapit sa Japan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.