Kotse bumangga sa pader sa Dasmariñas, Cavite; 3 patay 2 sugatan

By Jay Dones December 04, 2017 - 12:18 AM

 

3 ang patay samantalang dalawa ang sugatan sa aksidenteng kinasangkutan ng isang kotse sa Dasmariñas City, Cavite, Linggo ng madaling-araw.

Naganap ang aksidente sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Barangay San Agustin.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, binabaybay ng Toyota Corolla lulan ang limang biktima ang naturang lansangan nang mawalan ito ng kontrol sa palikong bahagi ng kalye at sumalpok sa konkretong bakod sa gilid ng lansangan bago humampas sa poste ng kuryente.

Dahil sa lakas ng impact, dead on the spot ang mga biktimang sina Juan Paulo Devilla na nagmamaneho ng sasakyan at mga sakay nitong sina Janden Rysel Mercado at John Dave Ramirez.

Agad namang naisugod sa pagamutan ang dalawa pang biktima na sina Noriel Candelaria at Kevin Devilla sanhi ng mga tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.