Ilang lugar, iniurong na ang deklarasyon ng class suspension bukas pero Albay, suspendido pa rin

By Jay Dones December 03, 2017 - 10:34 PM

 

Dahil iniurong na ng transport group na PISTON ang kanilang ibinabantang transport strike para bukas at sa Martes, ilang mga bayan at lalawigan ang iniurong na rin ang kanilang deklarasyon ng class suspension bukas.

Kabilang sa mga nagsabi na may pasok bukas sa kanilang lugar ay ang lungsod ng Maynila at Guagua, Pampanga na una nang nagdeklara ng class suspension bukas.

Binawi na rin ng lalawigan ng Camarines Sur ang kanilang naunang deklarasyon ng class suspension at sinabing may pasok na ang mga estudyante bukas, Lunes.

Gayunman, nananatiling suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan at pribadong paaralan sa lalawigan ng Albay, bukas December 4.

Ayon kay Albay Governor Al Francis Bichara, ito ay dahil tuloy aniya ang transport strike sa lalawigan ng lokal na transport group bukas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.