13 patay, 2 nawawala sa banggaan ng 2 barko sa South Korea

By Jay Dones December 03, 2017 - 08:33 PM

 

Labintatlo katao ang nasawi samantalang dalawa pa ang pinaghahanap sa banggaan ng isang barkong pangisda at isang tanker sa karagatang sakop ng Incheon, South Korea.

Ayon sa South Korean Coast guard, pawang mga tripulante ng fishing boat ang mga nasawi nang ito’y tumaob makaraang makabanggaan 336-toneladang refueling vessel.

Kabilang sa dalawang pinaghahanap ang isang tripulante at ang kapitan ng barko.

Pito naman ang maswerteng nailigtas ng mga rumespondeng coast guard personnel.

Patuloy ang paghahanap sa mga nawawalang crew ng naturang barko.

Agad namang ipinag-utos ni South Korean president Moon Jae-In ang pagpapakalat ng mga karagdagang rescue ship at helicopter sa lugar ng aksidente sa pag-asang makikita pa ng buhay ang dalawa.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.