Ito ay kahit na bago pa man nagsabi ang grupong PISTON na kanilang inuurong na ang nakatakda sanang transport strike bukas at sa Martes.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang katotohanan ang mga kumakalat na impormasyon sa social media na nagdeklara na ng nationwide suspension of classes at trabaho ang Malacañang.
Sa kasalukuyan aniya, walang opisyal na anunsyo ang Office of the Executive Secretary kaugnay dito.
Samantala, malugod namang tinanggap ng Palasyo ang pag-atras ng PISTON sa kanilang plano sanang nationwide transport strike.
Layon sana ng strike na muling igiit ang pagkontra sa napipintong jeepney modernization program ng gobyerno sa susunod na taon.