Pagdinig sa Maguindanao Massacre case pinangangambahang lalong magtagal pa

By Ricky Brozas September 20, 2015 - 11:43 AM

 

Inquirer file photo

Umaasa ang kampo ng mga kaanak ng mga biktima ng Maguindanao massacre na magkakaroon na ng resolusyon ang kaso bago pa man ma-promote si Quezon City RTC judge Jocelyn Solis-Reyes na nominado sa pagka-mahistrado ng Court of Appeals.

Dahil sa pending promotion ni Reyes sa Appelate Court, nangangamba si Roque na baka lalo pang tumagal ang pag-usad ng kaso ng Maguindanao Massacre.

Gayunman, naniniwala rin siya na mas mapapabilis na ang pagdinig sa kaso ngayong tapos na magprisinta ng mga testigo ang kanilang kampo o panig ng prosekusyon.

Tanging ang panig na lamang aniya ng depensa ang hindi pa nakapag-piprisinta ng mga testigo hinggil sa pagkamatay ng mahigit limampung katao noong Nobyembre 2009.

Samantala, kinumpirma ni University of the Philippines professor Atty. Harry Roque na hindi siya aanib kay Vice President Jejomar Binay bilang kandidato sa pagka-senador sa 2016 elections.

Bagkus, sinabi ni Roque na sa partylist group siya sasabak bilang nominee ng ‘Kabayan’ partylist o kalusugan, pabahay at kabuhayan. Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ng chairman ng Center for International Law o Centerlaw, na partikular niyang tututukan ang pagbalangkas ng mga batas na may kinalaman sa socioeconomic at human rights ng mga Pilipino.

Nilinaw din nito na ang sistema ng partylist ngayon sa bansa, salig sa desisyon ng korte suprema ay hindi na lamang nakatutok sa marginalized sektor kundi para na rin ito sa multi-sectoral organizations.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.