Isang kilo ng shabu, nasabat sa Albay

By Justinne Punsalang December 03, 2017 - 12:15 PM

Arestado ang dalawang tao sa ikinasang drug buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Region 5 sa bayan ng Legazpi, Albay.

Kinilala ang mga suspek na sina Ismael Onsad alyas Opaw at Angelu Ariraya na naaresto sa Barangay Oro Site.

Ayon sa PDEA Region 5, sina Onsad at Ariraya ang dalawa sa tatlong pangunahing tulak ng iligal na droga sa lalawigan ng Albay.

Mahigit isang kilo ng shabu ang nakumpiska mula sa mga suspek at tinatayang nasa P6.9 milyon ang halaga ng mga nasabat na droga.

Ayon sa naturang kagawaran, isang malaking kabawasan sa supply ng kalakalan ng droga sa lalawigan ang pagkakaaresto ng mga suspek.

TAGS: Albay, Bicol, PDEA, Philippine Drug Enforcement Agency, shabu, Albay, Bicol, PDEA, Philippine Drug Enforcement Agency, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.