Tigil-pasada ng mga jeep, kanselado na ayon sa PISTON

By Justinne Punsalang December 03, 2017 - 11:08 AM

Kinansela na ng No to Jeepney Phaseout Coalition na pinamumunuan ng Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) ang kanilang dapat ay dalawang araw na tigil-pasada bukas at sa Martes.

Ang naturang kanselasyon ay dahil umano sa sinabi ni Senadora Grace Poe na handa siyang pakinggan ang kanilang mga hinaing sa isasagawang Senate hearing sa December 7.

Ayon kay PISTON President George San Mateo, malugod nilang tinatanggap ang imbitasyon ni Poe.

Dagdag pa nito, nagppapasalamat sila sa malasakit at pagpapahalaga na ipinakita ni Poe para sa kanilang samahan.

Ani San Mateo, pansamantala nilang ipagpapaliban ang tigil-pasada dahil sa ngayon ay binigyan sila ng sendora ng daan para matalakay ang tungkol sa planong jeepney phaseout ng pamahalaan.

TAGS: george san mateo, grace poe, jeepney modernization program, jeepney phaseout, No to Jeepney Phaseout Coalition, PISTON, george san mateo, grace poe, jeepney modernization program, jeepney phaseout, No to Jeepney Phaseout Coalition, PISTON

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.