Mga mamimilit sa ibang driver na sumali sa strike, huhulihin ng NCRPO

Aarestuhin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga raliyesta na maaaktuhang namimilit sa ibang jeepney drivers na sumali sa two-day strike sa susunod na linggo.

Ayon kay NCRPO chief Director Oscar Albayalde, nakikipagtulungan sila ngayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para matukoy kung saan-saang mga lugar sa Metro Manila madalas naglilipana ang mga namimilit na raliyesta.

Dagdag pa ni Albayalde, babantayan rin nila ang mga magpoprotesta na nakasakay sa motorsiklo na nag-iikot sa Metro Manila para manghikayat ng ibang mga driver na sumali sa kanilang tigil-pasada.

Ito ay kasunod ng naunang anunsyo ng ilang transport groups, kabilang ang PISTON na magsasagawa sila ng dalawang araw na tigil pasada simula bukas para makumbinse ang pamahalaan an huwag nang ipatupad ang jeepney modernization program.

Ani Albayalde, mayroong sapat na bilang NCRPO para masiguradong magiging mapayapa ang transport strike.

Read more...