CHED, kinundena ang pagpatay sa presidente ng pamantasan sa CDO
Kinundena ng Commission on Higher Education (CHEd) ang pagpaslang sa pangulo ng University of Science and Technology of Southern Philippines (USTSP) na si Dr. Ricardo Rotoras sa Cagayan de Oro City.
Sa isang pahayag, nagpaabot ng pakikiramay si CHEd Commissioner Prospero de Vera III sa pamilya ni Rotoras at buong komunidad ng USTSP.
Aniya, hinihimok niya ang mga otoridad na gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang mabigyan ng hustisya ang pagpatay kay Rotoras.
Inalala rin ni de Vera si Rotoras bilang isang ‘ally’ ng CHEd sa pagtutulak ng mga reporma para sa mataas na edukasyon sa bansa.
Hustisya rin ang sigaw ngayon ng USTSP para sa kanilang presidente na nanungkulan sa pwesto sa loob ng 11 taon.
Naging presidente rin si Rotoras ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC).
Madaling araw ng Sabado nang barilin ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin si Rotora sa tapat mismo ng kanyang bahay sa loob ng isang exclusive village sa Cagayan de Oro City.
CHED strongly condemns the tragic death of PASUC and USTP President, Dr. Ricardo Rotoras, a longtime leader and collaborator in Philippine higher education reform pic.twitter.com/FyR7u2yHjT
— Official CHED (@PhCHED) December 2, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.