Paglilinaw ni Albayalde, posible lamang matanggal sa trabaho ang mga hepe kung hindi mareresolba ang mga kaso ng ligaw na bala.
Mahaharap naman sa kasong administratibo ang mga pulis na mahuhuling magpapaputok ng kanilang baril sa pagdiriwang ng Pasko at bagong taon.
Aniya, ipapatupad ng Philippine National Police (PNP) ang one-strike policy sa buong kapulisan para makaiwas o makabawas sa mga kaso ng pagpapaputok ng ligaw na bala.
Umaasa rin si Albayalde na magpapatuloy ang pagbaba ng bilang ng mga kaso ng ligaw na bala at ngayong taon ay wala nang maitalang kaso.
Ayon pa sa opisyal, paiigtingin nila ang pagpapatrolya ng kapulisan ngayong kapaskuhan para mapigilan ang mga mayari ng baril sa pagpapaputok ng kanilang mga armas nang wala namang dahilan.
Nagpaalala rin si Albayalde na huhulihin ang mga mag-iinom sa kalsada maging sa bisperas ng bagong taon.