Mga hepe ng kapulisan, pwedeng masibak kung may kaso ng ligaw na bala sa kanilang sinasakupan

By Justinne Punsalang December 03, 2017 - 08:41 AM

Nagbabala si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde sa mga hepe ng pulisya na maaari silang masibak sa trabaho kung mayroong maitatalang pagpapaputok ng ligaw na bala sa kanilang lugar na sinasakupan ngayong kapaskuhan.

Paglilinaw ni Albayalde, posible lamang matanggal sa trabaho ang mga hepe kung hindi mareresolba ang mga kaso ng ligaw na bala.

Mahaharap naman sa kasong administratibo ang mga pulis na mahuhuling magpapaputok ng kanilang baril sa pagdiriwang ng Pasko at bagong taon.

Aniya, ipapatupad ng Philippine National Police (PNP) ang one-strike policy sa buong kapulisan para makaiwas o makabawas sa mga kaso ng pagpapaputok ng ligaw na bala.

Umaasa rin si Albayalde na magpapatuloy ang pagbaba ng bilang ng mga kaso ng ligaw na bala at ngayong taon ay wala nang maitalang kaso.

Ayon pa sa opisyal, paiigtingin nila ang pagpapatrolya ng kapulisan ngayong kapaskuhan para mapigilan ang mga mayari ng baril sa pagpapaputok ng kanilang mga armas nang wala namang dahilan.

Nagpaalala rin si Albayalde na huhulihin ang mga mag-iinom sa kalsada maging sa bisperas ng bagong taon.

TAGS: Bagong Taon, ligaw na bala, NCRPO, one-strike policy, Oscar Albayalde, Pasko, PNP, Bagong Taon, ligaw na bala, NCRPO, one-strike policy, Oscar Albayalde, Pasko, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.