Isang pulis, patay sa pamamaril sa Rizal

By Justinne Punsalang December 03, 2017 - 08:25 AM

Dead on the spot ang isang pulis at isa pang lalaki matapos nitong subukang awatin ang dalawang nag-aaway na grupo sa Cainta, Rizal.

Kinilala ang mga nasawi na sina PO1 Arnel Canete ng Quezon City Police Station 6 at Danilo Cruz Jr.

Ayon kay Cainta police chief Superintendent Reynaldo Rosero, isang jail guard ang sinasabing responsable sa pamamaslang ngunit hindi muna inilabas ni Rosero ang pangalan nito.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, dalawang grupo ng kalalakihan ang nag-iinuman sa Fabian Street sa Barangay San Juan sa naturang bayan kung saan ipinagdiriwang ang isang piyesta.

Sinasabing nagkainitan ang grupo ng jail guard at ni Cruz.

Nang subukan ni Canete na awatin ang nag-aaway na mga grupo, bumunot umano ng baril ang suspek at binaril ang pulis maging si Cruz.

Nagsasagawa ngayon ng followup operation ang kapulisan para matunton ang kinaroroonan ng suspek.

TAGS: cainta, Rizal, cainta, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.