Bato, ipinagmalaki ang pagiging PNPA cadet ng kanyang anak

By Justinne Punsalang December 03, 2017 - 07:14 AM

Pinakamasayang pangyayari sa kanyang buhay para kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang makitang nakapasa sa Philippine National Police Academy (PNPA) ang kanyang nag-iisang anak na lalaki.

 

Hindi maitago ni Bato ang kanyang kasiyahan nang dumalo siya sa recognition rites ng PNPA Hinirang Class of 2021 kung saan bahagi ang kanyang anak na si Rock.

Kabilang si Bato sa mga senior officers na tumapik sa mga dibdib at kinamayan ang mga bagong kadete.

Kaya naman nang lapitan ni Bato ang anak ay hindi napigilan ng hepe na maiyak at yakapin ang anak.

Ayon kay Bato, sinabihan na niya ang kanyang anak na proud siya para dito.

Mula sa 354 na plebo ay 296 na lamang ang natira at naging kadete ng PNPA.

Ani Bato, sa una ay nag-aalangan siyang pasalihin ang anak sa PNPA dahil sa pressure na mararanasan nito habang nag-aaral. Ngunit sinigurado naman ni Rock ang ama na kaya niya ang anumang pressure na ibabato sa kanya sa loob, kaya naman hinayaan na niya itong pumasok sa PNPA.

Dagdag pa ni Bato, parang nakita niya ang kanyang sarili sa anak 39 na taon na ang nakakaraan.

TAGS: PNP Chief Ronald Bato dela Rosa, PNPA, PNPA Hinirang Class of 2021, Rock Dela Rosa, PNP Chief Ronald Bato dela Rosa, PNPA, PNPA Hinirang Class of 2021, Rock Dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.