Konsehal sa Cagayan, patay sa pananambang ng mga hinihinalang miyembro ng NPA

Patay sa pamamaril ang isang konsehal sa bayan ng Baggao, Cagayan.

Tinatayang nasa 20 armadong kalalakihan ang nagpaulan ng bala kay Councilor Angelo Luis mismong sa kanyang bahay sa Awallan Village.

Inaako ng Henry Abraham Command ng New People’s Army sa lalawigan ang pamamasalang sa biktima.

Sa isang pahayag, sinabi ng mga rebelde na nageespiya si Luis sa Intelligence Unit ng grupo sa Cagayan.

Ayon sa mga pulis, galing lamang sa bukid ang biktima ng pagbabarilin siya ng mga armadong lalaki kung saan nagtamo siya ng tatlong tama ng baril sa kanyang ulo.

Nakuha sa lugar ang mga basyo ng M14 at M16 rifles at mga flier na nanghihikayat na sumali sa rebeldeng grupo.

Samantala, sa isang text message noong Nov, 1, inamin ni Luis na may mga banta sa buhay siyang natatanggap ngunit binalewala lamang ang mga ito.

Hindi pa naman nagbibigay ng reaksyon ang pamilya ng nasawing konsehal sa mga alegasyon ng NPA.

Read more...