5 kabataan, nalunod sa Dumangas, Iloilo

By Justinne Punsalang December 03, 2017 - 06:12 AM

Nalunod ang limang kabataan sa Barangay Bacay sa bayan ng Dumangas, Iloilo matapos lumangoy sa baybayin ng Bacay.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ken Segura at Volther Jade Derutas ng Barangay Lacturan, Roger Bautista ng Barangay Victorias, at ang magkapatid na sina Stephen at Jan Karlo na mula naman pa sa Sta. Maria, Bulacan.

14 na taong gulang si Jan Karlo, habang 16 na taon ang iba pang mga binata.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagtungo ang mga kabataan sa Bacay beach para doon ipagdiwang ang kaarawan ng isa nilang kaibigan.

Kwento ng isang menor de edad na kasama ng mga biktima, hindi marunong lumangoy ang lima at nang tumaas ang tubig dahil sa high tide ay tinangay sila ng alon.

Ayon kay SPO3 Roger Parcon ng Dumangas Municipal Police Station, talamak ang insidente ng pagkalunod sa lugar.

Katunayan aniya, abandunadong beach resort na ito dahil sa dami ng nalulunod dito.

Dagdag pa ni Parcon, delikadong lumangoy sa lugar dahil sa lakas ng mga alon dito.

Samantala, ayon sa alkalde ng naturang bayan na si Ronaldo Golez, plano na niyang pormal na ipagbawal ang paglangoy sa naturang lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.