Ayon sa PAGASA, maaapektuhan rin ng northeast monsson ang mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, at Cagayan Valley. Ibig sabihin, magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may isolated rainshowers ang mga naturang rehiyon.
Gayunding panahon ang mararansan ng nalalabing bahagi ng bansa, at ayon sa PAGASA, asahan na rin ang posibilidad ng mga thunderstorm.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa direksyong hilagang silangan ang mararamdaman sa hilaga at gitnang bahagi ng Luzon. Habang katamtaman hanggang sa malakas na alon ang mararanasan sa mga dagat sa mga naturang rehiyon.
Para sa nalalabing bahagi ng bansa, mahina hanggang sa katamtamang hangin naman ang mararamdaman mula sa silangan patungong hilagang silangan, na magdudulot ng mahina hanggang sa katamtamang alon ng dagat.