Mahinang pag-ulan, asahan sa hilagang bahagi ng Luzon

By Justinne Punsalang December 03, 2017 - 06:08 AM

Makararanas ng maulap na papawirin na may kasamang mahinang mga pag-ulan ang Batanes at Babuyan Islands bunsod ng northeast monsoon.

Ayon sa PAGASA, maaapektuhan rin ng northeast monsson ang mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, at Cagayan Valley. Ibig sabihin, magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may isolated rainshowers ang mga naturang rehiyon.

Gayunding panahon ang mararansan ng nalalabing bahagi ng bansa, at ayon sa PAGASA, asahan na rin ang posibilidad ng mga thunderstorm.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa direksyong hilagang silangan ang mararamdaman sa hilaga at gitnang bahagi ng Luzon. Habang katamtaman hanggang sa malakas na alon ang mararanasan sa mga dagat sa mga naturang rehiyon.

Para sa nalalabing bahagi ng bansa, mahina hanggang sa katamtamang hangin naman ang mararamdaman mula sa silangan patungong hilagang silangan, na magdudulot ng mahina hanggang sa katamtamang alon ng dagat.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.