Negosasyon tungkol sa mga pinag-aagawang teritoryo, gaganapin sa 2018
Muling magkakaroon ng pag-uusap sa 2018 ang Pilipinas at China tungkol sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Ayon kay Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana, umaasa ang dalawang mga bansa na magaganap ang negosasyon sa unang bahagi ng 2018 dito sa Pilipinas. Aniya, kasalukuyan nang inaayos ang tungkol sa naturang pagpupulong.
Dagdag pa ni Sta. Romana, unang nakatakdang maganap ang ikalawang negosasyon nitong Disyembre, ngunit nagkaroon ng problema sa schedule ng kapwa partido.
Unang ginanap ang China-Philippines Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea sa Guizhou Province nitong nakaraang Mayo.
Sa panunungkulan ni dating pangulong Noynoy Aquino, dinala niya ang isyu tungkol sa pinaglalabanang teritoryo sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague. At ayon sa ruling ng United Nations, Pilipinas ang may sakop sa mga teritoryo, ngunit hindi ito tinanggap ng China.
Simula naman nang manungkulan sa posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte ay muli niyang ibinalik ang negosasyon kasama ang China. Kasunod nito ang pagtatanggal sa importation restrictions at pagbibigay ng China ng loan at grant sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.