Pagkakakulong, maaaring ipataw sa lalaking magsasabi ng “talaq” o ‘instant divorce’ sa India

By Rhommel Balasbas December 03, 2017 - 04:31 AM

Bilang pagsuporta sa mga kababaihang naaapektuhan ng hiwalayan sa India, ay isang panukalang batas ang inihain laban sa mga lalaking lalabag.

Ang “Muslim Women Protection of Rights on Marriage Bill” ay ipinanukala para sa mga babaeng nagiging biktima ng “talaq” o instant divorce.

Sa ilalim ng panukalang batas, maaari nang makulong ng hindi lalampas sa tatlong taon ang lalaking magsasabi ng “talaq” ng tatlong beses.

Ang kahulugan ng “talaq” ay divorce na naging matagal ng kasanayan sa India kung saan ang mga asawang lalaki ay nakikipaghiwalay sa pamamagitan lamang ng pagbabanggit ng tatlong beses sa naturang salita.

Noong Agosto ay idineklara ng Kataas-taasang Hukuman sa India na ang nasabing kasanayan ay ‘unconstitutional’ at labag sa katuruan ng Islam.

Nais din ng panukalang batas na magpataw ng multa at financial support ang nakikipaghiwalay na lalaki sa asawang babae.

Anumang paraan ng pagsasabi ng ‘talaq’ ng tatlong beses, pasalita man o maging sa text at email ay ikokonsiderang paglabag.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.