Isang tricycle driver, tinamaan ng ligaw na bala sa Sta. Cruz, Maynila

By Justinne Punsalang, Ricky Brozas December 03, 2017 - 04:25 AM

Sugatan ang isang tricycle driver matapos itong matamaan ng ligaw na bala sa Barangay Sta. Cruz sa Maynila.

Kinilala ang biktimang si Jay-ar Bonanza, dalawamput siyam na taong gulang.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nakaparada lamang ang tricycle ni Bonanza sa kalye ng Lope De Vega sa lugar. Nakasakay si Bonanza sa kanyang tricycle nang bigla na lamang siyang makaramdam ng sakit sa kanyang binti.

Iyon pala ay dahil natamaan na ito ng baril.

Agad dinala sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktima at katunayan ay nakalabas na ito matapos lapatan ng lunas ng mga doktor.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para matunton ang pinagmulan ng bala at malaman kung ano ang motibo sa pamamaril.

TAGS: manila, sta cruz, Stray bullet injures 1, manila, sta cruz, Stray bullet injures 1

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.