Lalaki, pinatay ang kabit ng kanyang asawa

By Justinne Punsalang December 03, 2017 - 04:21 AM

Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang lalaki ang sinasabing kabit ng kanyang asawa sa Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si Franque Sambo, isang karpintero na mula pa sa Ilocos Norte.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, Naglalakad si Sambo sa Barangay 176 sa Bagong Silang nang lapitan siya ni Mario Gumama at pagsasaksakin ito gamit ang isang kitchen knife.

Dead on the spot ang biktima habang tumakas naman ang suspek gamit ang tricycle na ginagamit nitong pampasada.

Sa tulong ng Bagong Silang Development Cooperative na isang samahan ng mga tricycle driver ay naaresto si Gumama.

Lumalabas na selos ang motibo sa pamamaslang dahil ayon sa suspek, kalaguyo ng kanyang asawa si Sambo.

Ayon sa mga otoridad, wala pa silang hawak na kumpirmasyon kung totoo ang mga alegasyon ni tungkol dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.