UP Pep Squad, walang bahid ng pagkadismaya kahit hindi nakapasok sa Top 3

By Rhommel Balasbas December 03, 2017 - 04:15 AM

iNQUIRER.net / Tristan Tamayo

“…We gave it our best for the UP Community”.

Ito ang tugon ni University of the Philippines Pep Squad Co-captain Thea Obanil kahit bigo ang kanilang grupo na makamit ang Podium Finish sa katatapos lamang na UAAP Cheer Dance Competition 2017.

Ayon kay Obanil, masaya ang kanilang grupo dahil naibigay nila ang kanilang lahat ng makakaya para sa UP Community.

Anya, ang kanilang naging performance ay alay nila sa buong komunidad.

Iginiit din ni Obanil na ang pagmamahal ng UP Community sa kanilang grupo ay hindi mawawala.

Inabangan ang pagbabalik ng UP Pep Squad matapos iboycott ang edisyon ng kompetisyon noong 2016 dahil sa isyu ng anila’y biased na scoring ng mga hurado pabor sa NU Pep Squad.

Nagtala ang UP Pep ng 675.50 points ngayong taon para maluklok ang grupo sa ikaanim na pwesto.

TAGS: UAAP CDC Season 79, up pep squad, UAAP CDC Season 79, up pep squad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.