Presyo ng gasolina, diesel at gaas bababa sa susunod na linggo
Inihayag ng Department of Energy na magpapatupad ng rollback ang ilang kumpanya ng langus sa susunod na linggo.
Ito ay makaraan ang serye ng oil price hike na kanilang isinagawa sa mga nakalipas na mga araw.
Sa consumer advisory na inilabas ng DOE, umaabot sa P0.30 ang ibabawas sa halaga ng diesel at kerosene samantalang P0.20 naman sa bawat litro ng gasolina.
Inaasahan na sa Martes ng umaga gagawin ang nasabing oil price rollback.
Kabilang sa mga kumpanyang nag-anunsyo ng rollback ay ang Shell, Caltex, Phoenix, PTT, Jetti, Clean Fuel, Metro Oil, Eastern Petroleum at Seaoil.
Sa kasalukuyan ay naglalaro mula P31 hanggang P38 ang presyo ng kada litro ng diesel samantalang mula P43 haggang P53 naman ang bawat litro ng gasolina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.