Ito ang mensahe ni Presidential spokesman Harry Roque sa mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsusulong ng revolutionary government.
Giit ni Roque, magdedeklara lamang ang pangulo ng revolutionary government kapag naghihingalo na ang bansa, ngunit hindi aniya mangyayari iyon.
Tiniyak ni Roque na kontrolado ni Duterte ang gobyerno. Aniya, masigla ang Pilipinas ngayon, at kabilang sa best-performing economies sa Asya.
Ayon kay Roque, ginagamit din ng oposisyon ang revolutionary government para takutin umano ang publiko.
MOST READ
LATEST STORIES