Transport sector ipatatawag ng Senado sa jeepney phase out hearing.
Ipatatawag ng Senado para sa isang pagdinig ang mga kinatawan ng pamahalaan at sektor ng transportasyon kaugnay sa isyu ng jeepney phase out.
Sa Disyembre 7 nakatakda ang nasabing pagdinig na pangungunahan ni Sen. Grace Poe na siyang pinuno ng Senate Committee on Public Services.
Layunin nito na alamin ang mga balak ng pamahalaan sa jeepney modernization program at ilang usapin sa transportasyon.
Kaugnay nito, hinimok rin ni Poe ang mga kasapi ng Pinasag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na dumalo sa nasabing pagdinig.
Imbes na magsagawa ng mga kilos-protesta, sinabi ni Poe na mas magandang umupo at pag-usapan ang mga problema.
Sa Lunes ay isang dalawang araw na protesta ang ikinasa ng PISTON bilang pagpapakita ng pagtutol sa jeepney modernization program ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.