SWS: Mga Pinoy na naniniwalang mas humirap ang kanilang buhay nadagdagan

Nadagdagan ng tatlong puntos ang bilang ng mga Pinoy na itinuturing ang sarili bilang mahirap.

Sa pinaka-bagong survey ng Social Weather Stations (SWS), umakyat sa 47% ang self-rated poverty ng mga Filipino sa 3rd quarter ng taon o katumbas ng 10.9 million familes.

Mataas ito kumpara noong 2nd quarter ng 2017 na umabot sa 44% o tinatayang 10.1 million families.

Hindi naman halos nagbago ang bilang ng pamilyang Pinoy na naniniwalang pang-mahirap ang kanilang kinakain na nasa 32% bagama’t mas mababa ito kumpara naman sa 35% na naitala noong Marso.

Ang survey ay ginawa noong September 23 hanggang 27 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 adult respondents sa buong bansa na nasa idad 18 pataas.

Read more...