Reenacted budget ng gobyerno ibinabala para sa 2018
Hindi malayong magkaroon ng reenacted budget ang pamahalaan sa susunod na taon.
Bungsod ito banggaan ng dalawang kapulungan ng kongreso sa ilang mga probisyan sa panukalang 2018 national budget.
Nanindigan si House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi nila papayagan ang pagnanais ng ilang mga senador na baguhin ang bersyon ng Kamara sa General Appropriations Act (GAA).
Hindi magkasundo ang mataas at mababang kapulungan partikula sa pagtapyas ng tinatayang P50.7 Billion na budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakalaan para sa right-of-way acquisitions.
Kinukuwestyon din ang realignment ng Senado sa P900 Million anti-drug campaign budget at ang P500 Million para sa drug program ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Maging si Senate President Aquilino Pimentel III ay matapang ang posisyon sa ginawang pagbabago ng mga senador.
Ani Pimentel, kung hindi rin lamang magkakasundo ang dalawang kapulungan, mas maiigi na aniya na re-enact na lang ang budget “If we do not come to an agreement, then let us just reenact the budget. Tabla-tabla na lang…”
Target ng dalawang kapulungan ng kongreso na maipasa ang P3.767 Trillion 2018 national budget bago mag-Pasko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.