Mga nakabinbing poll protest, hindi maaapektuhan sa lipat-opisina ng COMELEC
Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi dapat ikabahala lalo na ng mga partidong may nakabinbing poll protests ang paglipat nila sa bagong opisina.
Matatandaang kinumpirma ni COMELEC spokesperson James Jimenez na nakatanggap na sila ng notice to vacate sa Palacio del Gobernador mula sa Intramuros Administration.
Ayon kay Jimenez, lubos nilang pinag-iingatan ang lahat ng mga requirements para mapreserba ang mga dokumentong isinumite sa kanila.
Nakapagbigay rin aniya sila ng due notice sa mga partido kaugnay nito kasabay ng pagtitiyak na pinoprotektahan nila ang boto ng mga tao.
Mula pa noong 2007 ay sa Palacio del Gobernador na nag-oopisina ang COMELEC ngunit dahil sa structural integrity nito ay kailangan na nila itong lisanin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.