Pagkikita ni Pope Francis at ng mga Rohingya refugees, naging emosyonal

By Rhommel Balasbas December 02, 2017 - 08:00 AM

Naging emosyonal ang unang pagkikita ni Pope Francis at ng Rohingya refugees na lumikas at nasa Bangladesh sa kasalukuyan.

Hinimok ng lider ng Simbahang Katolika ang mundo na huwag balewalain ang mga nagsisilikas, mga mamamayang nakararanas ng pang-uusig, mahihirap at mahihina.

Sa kanyang pagbisita sa bansa ay ginamit na rin niya ang salitang “Rohingya” upang maisalarawan ang mga mamamayang nagmula sa Myanmar.

Hindi ginamit ng Santo Papa ang terminong ito sa kanyang pagbisita sa Myanmar kung saan nakipagpulong siya kina Aung San Suu Kyi at Senior General Min Aung Hlaing.

Nasa 5,000 katao ang nagkatipon-tipon sa Archbishop residence upang matunghayan si Francis.

Sa nasabing engkwento, sinabi ng Santo Papa na ang presensya ng Diyos ay maari ring tawaging “Rohingya”.

Bakas sa mukha ni Pope Francis ang pagdadalamhati habang ikinukwento ng mga kinatawan ng grupo ang kanilang karanasan.

Humingi ng kapatawaran ang lider sa hindi patay na hustiya, pang-uusig, at sakit na dinaranas ng mga nagsilikas.

Hinimok ng Santo Papa ang mga bansa na tulungan ang Bangladesh sa krisis na kinahaharap ng Rohingya refugees.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.