First day ng Beep Card System sa LRT-1, sinalubong ng aberya

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Nagka-aberya sa unang araw ng implementasyon ng beep card system sa Light Rail Transit o LRT-1 northbound ngayong Linggo (September 20).

Nalaman ng Radyo Inquirer na pumalpak ang beep card system partikular sa bahagi ng Gil Puyat station.

Hindi umano gumana ang mga beep card, dahilan para maantala ang pagpasok ng mga commuter.

Tumagal ang aberya sa loob ng tatlumpung minuto, na ikinainis ng mga pasahero lalo’t umaasa ang mga ito na mas mapapadali ang sistema.

Nauna nang ipinatupad ang beep card o tap-and-go system sa southbound ng LRT-1 at LRT-2.

Matatagal-tagal ding inaral at pinaghandaan ang Department of Transportation and Communications o DOTC at LRT Authority ang naturang sistema, para raw masulit ng mga pasahero ang paggamit ng beep cards.

 

Read more...