TNCs, isa sa mga dahilan ng pagdami ng sasakyan sa kalsada – MMDA

By Kabie Aenlle December 02, 2017 - 07:58 AM

INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Isa sa mga itinuturo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na dahilan kung bakit tumindi ang lagay ng trapiko sa mga kalsada ay ang pagdami ng mga sasakyan.

Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, sa EDSA pa lamang ay umabot na sa 7,500 ang mga dumadaang sasakyan, na lampas na sa carrying capacity nito na 6,000.

Dagdag ni Pialago, isa sa mga “contributing factors” sa pagdami ng mga sasakyan sa kalsada ay ang mga transport network companies (TNC) tulad ng Grab at Uber.

Gayunman, hindi naman sumang-ayon dito ang Grab dahil ayon sa kanilang country head na si Brian Cu, kahit naman pinigilan na sila ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magdagdag ng mga units ay hindi nabawasan ang tindi ng trapiko sa Metro Manila.

Iginiit pa ni Cu na hindi sila ang dahilan ng trapik dahil hindi naman na sila nagdagdag ng sasakyan, at na mahirap itong isisi sa mga TNCs maliban na lang kung may kaakibat itong resulta ng pag-aaral.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.