6 na attack jets, bibilhin ng Pilipinas sa Brazil

By Kabie Aenlle December 02, 2017 - 06:24 AM

Nakatakdang bumili ang Department of National Defense (DND) ng anim na bagong close-air support aircraft (CASA) mula sa Brazil.

Ayon kay DND Public Affairs Office chief Arsenio Andolong, napili na bilang supplier para sa bibilhing mga A-29 “Super Tucano” light attack aircraft ang Brazilian manufacturer na Embraer Defense and Security.

Nailabas na aniya ang Notice to Proceed para sa supply at delivery ng mga attack jets noong isang linggo, at naibigay na ito sa nasabing kumpanya.

Paliwanag ni Andolong, ang nasabing uri ng aircraft ang napili matapos ang masinsinang bidding process na sinalihan ng ilang manufacturers mula sa iba’t ibang bansa.

Pasok din aniya ito sa mga pangangailangan at mga technical specifications na inilatag ng Philippine Air Force (PAF).

Sa ngayon ay isinasapinal na ang kontrata upang malagdaan na ni Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Inaasahan namang magsisimula sa 2019 ang pag-deliver ng mga bibilhing aircrafts ng DND na nagkakahalaga ng P4,968,000,000.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.