Inaabangan na UAAP Cheer Dance Competition, gaganapin na mamaya

By Rhommel Balasbas December 02, 2017 - 06:22 AM

Magaganap na ngayong araw ang pinag-uusapang Cheer Dance Competition (CDC) ng University Athletics Association of the Philippines o UAAP Season 80.

Inaabangan ang muling pagbabalik ng University of the Philippines (UP Pep Squad) na hindi sumali sa edisyon ng patimpalak noong 2016 dahil sa iginigiit na hindi makatarungang ‘judging’ na pumabor sa NU.

Samantala, susubukan naman ng National University (NU) Pep Squad na maitala ang kanilang ikalimang sunud-sunod na pagkapanalo.

Itinanghal na “champion” ng UAAP-CDC ang NU mula 2013 na unang magtatanghal mamaya.

Sa kasaysayan ng UAAP-CDC, ang University of Santo Tomas pa lamang ang nakakaabot ng ‘five-peat’ na kanilang nasungkit mula 2002 hanggang 2006.

Narito ang pagkakasunud-sunod ng pagtatanghal ng mga kalahok na pamantasan para sa patimpalak.

1 – NU Pep Squad
2 – DLSU Animo Squad
3 – Adamson Pep Squad
4 – FEU Cheering Squad
5 – UE Pep Squad
6 – UP Pep Squad
7 – UST Salinggawi Dance Troupe
8 – Ateneo Blue Babble Battalion

Magsisimula ang sikat na cheerdance competition mamayang alas-dos ng hapon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.