‘One-strike policy,’ muling paiiralin sa mga kaso ng stray bullets ngayong Holiday Season

By Rhommel Balasbas December 02, 2017 - 04:59 AM

Muling paiiralin ng Philippine National Police (PNP) ngayong Kapaskuhan ang one-strike policy sa mga lugar na may magaganap na insidente ng ligaw na bala o ‘indiscriminate firing.’

Sa pamamagitan nito, agad na matatanggal sa pwesto ang mga hepe ng pulisya at unit commanders na mabibigong maresolba ang mga kaso ng stray bullets sa loob ng 24 oras.

Layon ng polisiya na mapahigpit ang pagbabantay ng mga awtoridad sa kanilang mga ‘area of responsibility’ upang maiwasan ang “indiscriminate firing’ na kadalasan ay nagreresulta sa pagkasugat o pagkamatay ng mga natatamaang biktima.

Ayon kay Sr. Supt. Rudolph Dinas, hepe ng PNP Directorate for Operations (DO), 22 insidente ng ligaw na bala ang naitala sa buong bansa mula Dec. 16, 2016 hanggang Jan. 4, 2017 at ikinasawi ng isang tao.

Ayon kay Dinas, maikokonsidera lamang na naresolba ang kaso sakaling maaresto ang suspek.

Inatasan na ng PNP ang Police Commanders sa mga lugar na nakapagtala na ng ganitong mga kaso noon na magsagawa ng pagpapatrolya upang maiwasan muli ang insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.