DA, kinumpirmang may bagong kaso ng bird flu sa Cabiao, Nueva Ecija

By Rhommel Balasbas December 02, 2017 - 04:49 AM

Mabibigo ang Pilipinas na maabot ang bird-flu free status na inaasam nito bago mag-Pasko.

Ito ay matapos maitala ang panibagong outbreak ng avian influenza o bird flu sa Cabiao, Nueva Ecija bago pa man ang target date na December 20 kung saan matatapos sana ang disinfection process sa mga apektadong lugar.

Isa sa mga pamantayan ng World Organization for Animal Health upang maideklarang bird flu-free ang isang bansa ay ang pagsasagawa ng 90 araw na disinfection process.

Kapag wala nang naitalang panibagong kaso ay maaari nang maigawad ang bird flu-free status.

Gayunpaman, kinumpirma mismo ng Department of Agriculture (DA) na naitala nga ang panibagong insidente ng avian influenza.

Ang kumpirmasyong ito ay inihayag ni Agriculture Sec. Emmanuel Piñol, ilang araw pa lang ang nakalilipas nang mapaulat ang pagpatay sa mahigit 40,000 mga ibon sa Nueva Ecija.

Tiniyak naman ni Piñol na walang rason upang magpanic ang publiko dahil sa mabilis na aksyon ng lokal na mga opisyal.

Bilang inisyal na tugon ay pinasimulan ng DA ang random testing sa mga poultry farms sa lalawigan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.