Dating driver ni Kerwin Espinosa, patay sa pananambang

By Kabie Aenlle December 02, 2017 - 04:45 AM

Patay matapos pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek ang dating driver ng self-confessed na drug lord sa Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa.

Nangyari ang pananambang sa biktimang kinilalang si Nelson Pepito Jr. sa Sitio Manga sa Barangay Seguinon sa bayan ng Albuera, Leyte.

Ayon kay Albuera police chief Senior Insp. Ronald Espina, si Pepito ay isang kagawad sa Barangay Benolho at dating naging driver ni Espinosa noong 2011.

Nasawi si Pepito dahil sa dami ng natamo niyang tama ng bala sa katawan.

Ayon sa misis ni Pepito na si Melodina, tumungo silang mag-asawa sa Sitio Manga para mag-deliver ng manok sa isang customer.

Tinitimbang niya lang aniya ang mga order habang nililista naman ito ng kaniyang mister nang biglang dumaan ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo at saka pinagbabaril si Pepito.

Itinaas pa umano ng kaniyang mister ang mga kamay nito bilang pagmamaka-awa na huwag siyang barilin ngunit itinuloy pa rin ito ng mga suspek hanggang sa humandusay na siya sa lupa.

Dagdag pa ni Espina, nilapitan pa ng mga suspek si Pepito para tiyakin kung patay na ito.

Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ang insidente upang matukoy ang mga salarin at ang motibo ng mga ito sa krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.