Bawas singil sa jeep at taxi, didinggin bukas ng LTFRB

By Isa Avendaño-Umali September 20, 2015 - 08:44 AM

 

taxiltfrbTuloy na bukas (September 21) ang public hearing ng Land Transporation Franchising and Regulatory Board o LTFRB kaugnay sa mga panukalang fare adjustment sa pampasaherong taxi at PUJ services.

Ayon sa LTFRB, welcome ang lahat ng sektor, mga commuter group at iba pa na makibahagi sa nakatakdang public hearing na gaganapin sa tanggapan ng LTFRB sa Quezon City.

Kabilang sa mga dididinggin ay ang pisong-bawas sa kasalukuyang P3.50 na patak ng metro sa kada 300 meters na biyahe ng mga regular taxi at airport taxi services.

Tatalakayin din ang pisong-rollback sa kasalukuyang P8.50 na pasahe sa PUJ services sa Kalakhang Maynila at ilang bahagi ng Regions 3 at 4.

Inaasahan din an pag-uusapan ang panukalang dagdag na sa singil sa “waiting time’ sa mga air-conditioned taxi sa Metro Manila at mga lalawigan, o mula P3.50 ay gagawin nang P5.50 sa kada dalawang minuto.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.