Comelec, nakatanggap na ng notice to vacate, pinaaalis na sa Palacio del Gobernador
Pinalalayas na ang Comission on Election (Comelec) sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila.
Katunayan, nakatanggap na ang Comelec ng “notice to vacate” para sa inookupahan nitong 5th, 7th at 8th floor sa Palacio mula sa Intramuros Administration (IA) na nangangasiwa sa nasabing gusali.
Ayon kay Comelec Spokesperson Director James Jimenez, structural integrity ng Palacio del Gobernador ang idinahilan ng IA sa ipinadala nitong notice to vacate.
Kaugnay nito, sinabi ni Jimenez na may plano na para sa pagilipat ng kanilang personnel department bago matapos ang taon.
Matagal na rin aniya silang plano para sa pagtatayo ng sarili nilang gusali.
Dagdag pa ni Jimenez, naka-usap na ng comelec ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa disenyo at pagpapatayo ng pinaplanong gusali ng ahensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.