MILF member na sangkot sa bentahan ng iligal na droga, arestado sa North Cotabato

Arestado sa buy bust operation ang isang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na konektado sa pagpapakalat ng iligal na droga sa Datu Piang, Pigcawayan, North Cotabato.

Dinampot ng mga operatiba ng PDEA ang suspek na si Mohammad Macalimpas alyas Apis, 47-anyos, nasa nasa drug watchlist ng PDEA at nakatalaga sa 105th brigade ng base command ng MILF.

Kasama rin sa inaresto ang kasabwat nitong si Samsodin Balolong Koto at Noraida Samaon Alamada.

Ayon kay PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino, dumalo pa sa katatapos lamang na Bangsamoro General Assembly si Macalimpas kung saan nagpunta si Pangulong Duterte.

Sinabi ni Aquino na matagal nang isinasailalim sa surveillance ang suspek dahil sa mga iligal na gawain.

Kalahating kilo ng shabu ang nakuha sa kamay ng suspek na nagkakahalaga ng 2.5 million pesos, kasama ang isang 9mm pistol na puno ng bala, at dalawang cellphones na ginagamit niya sa kanyang transaksyon sa droga.

 

 

 

 

 

 

Read more...