Halaga para sa rehabilitasyon ng Marawi hindi pa tukoy ng task force
Wala pang nailalatag na eksaktong halaga ang Task Force Bangon Marawi kung magkano ang kinakailangang kabuuang budget para sa rehabilitasyon sa Marawi City matapos ng limang buwang giyera sa teroristang Maute group.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Task Force Bangon Marawi Chairman Eduardo Del Rosario na sa ngayon ay hinihintay pa nilang matapos ang resulta ng post conflict needs assessment.
Kapag natapos na aniya ang assessment ay saka lamang makapaglalatag ang kanilang hanay ng total damages, opportunity loss, at rehabilitation cost.
Sinabi pa ni Del Rosario na kapag nakuha na ang resulta ng assessment, ipapasok nila ang local government uynites master plan at provincial master development plan para naman sa validation at assessment ng National Economic Development Authority o NEDA.
Target aniya ng NEDA na maihanda ang komprehensibong rehabilitasyon at reconstruction sa Marawi sa katapusan ng Marso.
Sinabi pa ni Eduardo na ang mga naunang figure na P10 biyon hanggang P90 bilyon pondo sa rehabilitasyon ay pawang estimate lamang ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.